Mga Madalas Itanong


Kailangan mo ang aming mga serbisyo upang malaman mo an 'credit profile' ng iyong negosyo at makakuha ng ideya kung paano ka malamang susuriin ng mga bangko bilang isang potensyal na tagahiram. Kung ikaw ay may naunang aplikasyon sa pautang na tinanggihan, malamang na hindi sinabi sa iyo kung bakit ito tinanggihan. Ang katotohanan ay hindi mo makikita ang mga ulat ng pautang (credit report) tungkol sa iyong sariling negosyo. Ngunit binabaliktad namin ang kasanayang ito at nag-aalok sa iyo ng pagkakataon na makakuha ng mahalagang impormasyon sa isang maliit na bahagi ng kung ano ang halaga nito sa iyo. Bakit? Dahil naniniwala kami na kailangan mong malaman kung ano ang katayuan mo ngayon nang sa gayon ay mas mapahusay mo ang iyong pagpapatakbo ng iyong negosyo, mas mapabuti ang iyong katayuan sa paghiram ng pera, makuha mo ang pagtutustos, at mapalago ang iyong negosyo.

Napagtanto namin na maaaring maging kumplikado sa pinansyal na pagsusuri ang yugto ng interpretasyon, matapos mabuo ang ulat at mailatag ang mga may-katuturang mga sukatan. Kaya upang gawin itong madali para sa business owner na tulad mo, ginagawa naming isang punto ang mailatag ang aming mga interpretasyon at rekomendasyon sa isang nakabuod at madaling-sundan na mga termino. Inaalis namin ang mga nakakalito at ipiniprisinta ang mga pinakamahalagang leksyon na tiyak para sa iyong negosyo-- naaaksyunang impormasyon na binuo sa pamamagitan ng aming mga modelo, sinuri ng aming nakatuong grupo ng mga manunuri base sa mga pamantayan ng pagsusuri ng pautang (credit assessment standards) ng mga bangko sa Pilipinas.

Ang aming layunin ay ang pagbalanse ng impormasyong hinihiling namin sa aming mga SME- mga kliyente na may detalye at aaksyunan ang aming mga rekomendasyon. Ang serbisyong ibinibigay namin ay higit pa sa iyong karaniwang pagsusuri ng pautang - nagbibigay kami ng puna batay sa pananalapi at masusukat na mga aspeto ng iyong kumpanya. Ito ay tulad ng isang mabilis na pinansiyal na pagkonsulta at pakikipag-ugnayan sa pagkuwenta. Sa amin, makakakuha ka ng dobleng halaga sa ikatlo ng karaniwang gastos na kinukubra ng mga kasangguning pampinansyal.

Ang malaman ang mga lakas at kahinaan ng iyong negosyo, ang iyong katayuan sa iyong industriya, at mga inirerekomendang aksyon upang mas mapabuti ang iyong katayuan sa paghiram ng pera (credit rating) ay walang katumbas na halaga.

Magtiwala na ang seguridad ng datos ay isang malinaw na pangunahing priyoridad ng CreditBPO. Ang iyong ibibigay ay mahalaga sa iyo at sa aming negosyo. Kaya ang aming imbakan ng datos ay nilagyan ng mga pinakabagong solusyon sa seguridad at ang aming kasunduan sa gumagamit ay tumutukoy sa pinakamataas na seguridad para sa anumang datos na ipinauubaya ng kliyenteng SME.

Sa karagdagan, ang Republic Act No. 10173 na kilala rin bilang "Data Privacy Act of 2012" ay pumuprutekta sa personal na impormasyon ng mga indibidwal sa mga sistema ng impormasyon at komunikasyon sa pamahalaan at pribadong sektor.

Ligtas sa amin ang iyong impormasyon.

Hindi kinakailangan. Kahit na makakuha ng isang mataas na rating ay maaaring hindi matiyak ang isang matagumpay na credit application sa ilang mga pangyayari , hal lebel ng paghiram ng alinman sa isang partikular na industriya o sa isang partikular na kumpanya na itinuturing na mataas na ng tagapagpahiram. Tandaan na ang bawat bangko ay may sariling risk asset acceptance criteria na basehan rin ng kanilang pagpapahiram.

Ang CreditBPO Rating Report, kung hiniling, ay idadagdag sa ilang mga iba pang mga elemento ng impormasyon at mga pagpapatunay na ginagamit ng mga lenders upang gumawa ng desisyon sa credit

Lubhang mahalaga. Ang CreditBPO Rating Report ay sinadya upang magbigay ng kapangyarihan sa SMEs sa pamamagitan ng kaalaman ng kanilang sariling credit profile. Ito ay ginagamit bilang isang panimulang punto papunta sa strategic management upang mapabuti at palaguin ang kanilang mga negosyo.

Karaniwang gagawin ng mga bangko o taga-pahiram ang kanilang sariling pagpapatunay ng impormasyon na nagmumula sa SME. Ang aming algorithm ay nagbabawas ng rating sa anumang pagkakasalungatan na nakikita sa mga ibinibigay na impormasyon ng SME. Kaya ang pagtugon ng tumpak na impormasyon ay mahalaga.